Chapter 5 - Super Sweet Sugar Coated Banana Cue

This Story is Originally Created by Romeo Q. Loñosa III a.k.a. TOYANTZ..

Start..

Abala sa pag-lalaro ng Psp si Romeo ng may marinig syang pagsitsit..

Di muna agad pinansin ng binatilyo ang pagtawag ng kung sinong nilalang dahil abala sya sa paglalaro..

Pero napahinto sya ng may maramdamang pagbato..

Inis na pinause ng binatilyo ang paglalaro at hinanap ang salarin..

Wala syang nakita..

Mabilis na hinanda ni Romeo ang depensa..

Poker face agad sya at pinatalas ang pakiramdam..

"Sapa pre .. " hirit ni Rhoi..

Muling dumampot si Aldrin ng isang maliit na bato..

Pero ng ipupukol na nya ito ay namangha sila dahil wala na ang kaibigan sa dati nitong kinapupwestuhan..

Nataranta ang tatlo..

"Nasan yung mokong na yon ?.. " tanong ni Darius..

Napatayo sila mula sa pagkakatago sa makapal na tanim ng mga bulaklak ng Tita Alexa nila.

"Hanep.. Naglaho tol.. " manghang sabi ni Aldrin..

"Nasan na yon ?.. " tanong ni Rhoi..

"Nandun oh.. " singit ni Romeo..

Napatili silang bigla..

Napangisi ang binatilyo.

"Oh loko..Tangna nyo ha... Ano na naman bang problema nyo ?.. " tanong ni Romeo..

Napakamot ang tatlo sabay tawa..

"Gala tayo tol.. " suhestyon ni Darius.

Tumango ang tatlo..

"Saan naman ?.. Ang init init eh.. " reklamo ni Romeo..

"Kahit saan.. Sagot naman ni Darius eh.. " nakangising inakbayan ni Aldrin ang kaibigan..

Napasimangot si Darius at tinabig ang kamay ni Aldrin..

"Ayos ah.. Nananahimik ako sa bahay tapos guguluhin nyo ko para ako ang manlibre ?.. Nasan mga allowance nyo ?.. Martes pa lang ha ?.. " nakasimangot na tanong ni Darius..

"Sige ambagan.. Tulad ng dati.. " sabi ni Rhoi sabay labas ng 100 piso..

Gumaya si Aldrin at naglabas ng 2 singkwenta pesos..

"200 na.. 300 ka na Tabar.. " sabi ni Rhoi..

Tumango si Darius..

"Sige matuloy lang. San ba tayo ?.. " tanong nya..

Napaisip silang lahat..

Nasa kalagitnaan sila ng brainstorming ng may marinig silang pagtawag..

Paglingon nila ay nakita nila ang dalawang dalagita..

"Guys !.. San kayo ?.. " tanong ni Krissing..

Agad nitong nilapitan si Rhoi at kinalawit ang braso..

"Mag mimiryenda sana sa labas.. Kayo ?.. " tanong ni Rhoi...

Si Dannica ang sumagot..

"Kararating ko lang kina Kris eh.. Sama kame.. " suggestion nya sabay pasimpleng tumingin kay Darius..

Napangisi ng lihim ang mataba..

"Ano Rom ?.. Kina Krissing na lang daw ?.. " tanong ni Aldrin..

Tumango si Romeo..

"Sige .. Teka papaalam lang ako sa Mother Earth.. " sabi nya sabay talon sa bakod at mabilis na tumakbo papasok ng bahay..

Natawa ang lahat..

"Kita mo tong mokong na to.. Sisiga siga sa School tapos takot sa nanay nya.." natatawang pang aasar ni Aldrin..

Natahimik ang dalawa..

"S-sino bang hindi ?.. " bulong ni Rhoi..

Nasamid si Aldrin at natahimik din..

Hinintay nilang lumabas si Romeo..

"Pare ang tagal mo.. " reklamo ni Rhoi..

Palabas na ang kaibigan nila at napansin nilang may dala ito..

Paglapit ay hinagis nito kay Aldrin ang mga hawak at muling tumalon sa bakod..

"Ano to ?. " tanong ni Aldrin..

Pinaikot ni Romeo ang mga eyeballs nya..

"DVD ang tawag dyan pre.. Kapag sinalang mo yan sa DVD player.. Mapapanood natin ang recorded na laman nyan.. Gets ?.. Tanga lang ?.. " biro ni Romeo..

Nagtawanan sila..

"Pakyu ka tol.. Maganda ba to ?.. " tanong ni Aldrin..

Inakbayan ni Romeo ang kaibigan..

"Wag mong masyadong galawin.. Baka malaglag yung American Pie ko.. " bulong nya..

Napangisi ang dalawa..

Nacurious sina Rhoi at Darius..

Lumapit sila sa kaibigan..

"Ano daw ?. " tanong ni Rhoi..

Siniko ni Aldrin si Darius..

"Eto.. May American Pie daw sa loob... Ssshhh... " nakangising sabi nya..

Naghagikgikan silang apat..

Napataas ang mga kilay ng dalawang babae..

"Ano na naman kaya niluluto ng apat na to ?.. " tanong ni Krissing..

Nagkibit balikat si Dannica..

"Ang cute talaga tumawa ni Dar no ?.. " kinikilig na sabi ni Ekang..

Napangiwi si Krissing..

"Naku naman sis.. Pati pagtawa pinagmamasdan mo.. Malala ka na.. " biro nya sabay hawak sa kamay ng kaibigan at nagpauna na sa bahay nila..

Magkatabi lamang ang bahay nina Rhoi at Krissing kaya konting lakad lang ito..

Dire diretsong pumasok ang dalawang babae habang nagtatalo pa ang apat na binatilyo sa tapat ng gate nila..

"Ayaw ni Krissing nyan eh.. " naalala ni Rhoi..

Napasimangot ang tatlo..

"Majority wins pre.. " sabi ni Aldrin..

Tumango si Darius at Romeo..

"At isa.. May matututunan din naman tayo dyan eh.. " banat ni Darius..

Natawa sila..

"Ano naman daw ?.. " tanong ni Rhoi..

"Friendship.. " si Romeo ang sumagot..

Natahimik silang lahat..

Nagkatinginan..

Lahat napangisi..

Iisa ang tinatakbo ng isip..

"At sex... Oh yeah !.. " sabay sabay nilang bulong.

Nagtawanan muli sila ng malakas..

"Hoy apat na unggoy !.. " sigaw ni Krissing mula sa bintana ng kwarto nya..

Napatingin ang apat..

"Bumili kayo ng pagkain kasi wala na pala kaming stock na snacks.. " sigaw ni Krissia..

Napasimangot ang tatlo..

"Anong gusto mo bes ?.." tanong ni Rhoi at pinagsisiko ang mga kaibigan..

Tinawag ni Krissia si Dannica mula sa loob.

"Sis anong gusto mo ?.. " tanong nya..

Napaisip si Dannica..

"Parang gusto ko ng turon.. " sagot ng dalagita..

Ngumiti si Krissing..

"Oh turon daw .. Dun sa labas lang ng subdivision.. Di ba meron nagtitinda don ?.. " sigaw ng dalagita..

Tumango si Rhoi..Hinagis nya ang mga DVD's sa binata..

Nasalo naman ito ni Krissing..

Nakangiti pa syang nagflying kiss sa bestfriend nya sabay labas ng bakuran ng kaibigan..

Hinatak nya na ang mga kaibigan papunta sa entrance ng subdivision nila..

"Langya ka tol.. Di pa man under ka na kay Krissing.. " reklamo ni Aldrin..

Napangisi si Rhoi..

"Respeto sa kababaihan, kaibigan.. Di ba yan tinuro ng inyong mga magulang ?.. " tanong nya..

Pero nakatikim sya ng batok sa mga kaibigan nya..

"Pakyu ka pre.. Ang totoo may pagnanasa ka kay Krissing.. Di ka na nahiya.. Ni wala pa yung ano eh.. " banat ni Romeo..

Sya naman ang nakatikim ng batok mula sa lahat..

"Ang libog mo gago.. " sabi ni Rhoi..

Nagtawanan sila ..

Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa entrance..

"Ano bang pinabibili ni Krissing ?.. " tanong ni Rhoi..

Napatigil ang tatlo.

"Pansit daw pre.. " sabi ni Darius..

"Siraulo.. Spaghetti bro.. " sabi ni Aldrin..

Natawa si Romeo at napailing iling..

"Di ko malaman kung ano ang una kong mararamdaman.. Kung awa o tawa ba.. ANg hihina ng memory bank nyo.. Ilang minuto lang yung lumipas nakalimutan nyo na yung inutos sa inyo ?.. What a mess mga tol.. Di kayo pwede sa crime scene.. Tsk tsk.. " pagyayabang ni Romeo..

Naasar ang tatlo..

"Oh sige nga ?.. Anong pinabibili nila ?. " sabay sabay pa nilang tanong ..

"Banana Cue mga tol.. Simple lang.. Napakadaling tandaan di ba ?.. " dagdag ng binatilyo..

Namangha ang tatlo at natahimik..

Nagkatinginan sila..

"Y-yun ba talaga yun ?.. " tanong ni Rhoi..

"Yun nga ata.. Sige na.. " sabi ni Darius..

Nagpauna na si Romeo sa mga nag titinda..

Pero napahinto sya ng may madaanan ang gilid ng kanyang mga mata..

"Oh hell.. " bulong nya sa sarili sabay mabilis na iniwanan ang tatlo..

Nilapitan nina Rhoi, Aldrin at Darius ang matandang tindera..

"Manang.. Magkano po itong Saging Cue ?.. " tanong ni Darius.

Napakunot noo ang matanda..

"Ano ?.. " tanong nya..

Natawa sina Rhoi at Aldrin at binatukan si Darius..

"Sorry po manang.. Magkano po itong Banana Cue ?.. " tanong ni Rhoi..

Ngumiti ang tindera..

"10 pesos iho.. " sagot nya..

Napangisi si Darius..

"Manang text text tayo .. " biro nya..

Natawa ang matanda..

Sinakal ni Aldrin ang kaibigan..

"Ilan ba tol ?.. " tanong nya..

Nagbilang sa isip si Rhoi..

"Anim tayo eh.. Sakto na siguro tig dadalawa.. Tapos bili na lang tayo ng 1.5 na coke.. Oks na yon.. " sabi nya..

Tumango si Aldrin..

Binitawan nya si Darius para humugot ng pera..

"Manang.. Nagloload po kayo sa iPhone ?.. " tanong ni Darius sabay nilabas ang bagong bagong iPhone nya..

Natawa ang dalawa..

Si Manang tahimik lang..

"Wala ka talagang kayabang yabang tol e.. Pati si Manang pinagtitripan mo.. " bulong ni Aldrin..

Nagbungisngisan sila..

"Magkano po lahat Manang ?.. Ano tol ?.. Papaload ka ba ?..Nag loload po ba kayo Manang ?.. " tanong ni Rhoi..

Tumango ang matanda.

"Magkano ba iho ?.. " tanong nito.

Napaisip si Darius sabay iling..

"No need na pala.. I forgot naka plan pala ako.. Sorry.. " biro nya..

Lalong nagtawanan ang tatlo.

Si Manang tahimik lang at binalot ang mga banana Cue..

Akmang aabutan na ni Rhoi ng dalawang singkwenta ang matanda ng awatin sya ni Darius..

Nakangisi nitong nilabas ang wallet at naglabas ng buong limang daan..

"Biruin ko lang tol.. " bulong nya.

Natawa si Rhoi at hinayaan na ang kaibigan sa trip nito..

"Manang eto po.. Keep the change.. " sabi ni Darius.

Inaasahan nilang matutuwa ang matanda..

Pero poker face pa rin ito.

Nagtaka sila..

"Baket parang di natuwa ?.. "tanong ni Aldrin..

Nagkibit balikat ang dalawa..

"Wala na ba kayong bibilhin mga iho ? .. " tanong ng matanda.

Umiling ang tatlo..

"Thanks for the 500 peso bill kids.. Wala din kasi akong barya eh.. I'll give your order as free sana pero nagbayad kayo.. Well..Thank you.. Come again.. " banat ng matanda sabay binuksan ang belt bag..

Lalong nagulat ang tatlo ng makita nila ang bungkos ng pera..

Siniksik lang ng matanda ang 500 pesos ni Darius na parang scratch paper lang..

Ngumiti ito sa kanila..

"Hey Fat kid.. Nice phone.. " sabi ng matanda sabay labas ng bagong galaxy s2..

Natulala lalo ang tatlo..

"Anak ng patis.. M-mas maganda pa phone ni Manang saken.. " bulong ni Darius..

Natawa ang dalawa.

"Kayabangan mo kase.. " natatawang biro ni Rhoi pero maging sya ay nagulat..

Paalis na sila ng humabol pa ang matanda.

"Hey kids.. Add me sa FB !.. This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .. Thanks.. " banat ni manang..

Nagkatinginan na lang ang tatlong alas..

Ng makalayo ay pinakawalan na nila ang pinipigil na tawa.

"Haneeeeepppp... Ang angas ni Manang !.. " sigaw ni Aldrin..

Nagtawanan sila at inasar si Darius.

"Pahiya ako dun ah.. Teka nasan na naman ba si Romeo ?.. " tanong nya..

Napahinto ang dalawa..

"Nandyan lang yon.. Di naman tayo iiwan non eh.. " sabi ni Rhoi..

Lumingon lingon sila..

"Ano yon tol ?.. " tanong ni Darius..

Napatingin sila sa tinuro ng kaibigan..

"Oo nga no.. Anong meron don ?.. " tanong ni Rhoi..

Nilapitan nila ang kumpol ng mga tao..

Nakisiksik sila at duon nila nakita si Romeo na naglalaro ng chess.

"Nakooo.. Kaya pala.. Sinaniban na naman ang monggoloid..Basta talaga may naglalaro ng Chess napapraning tong isang to.. Hoy !.. Tara na !.. " sabi ni Rhoi.

Napangisi si Romeo..

"Saglit lang kaibigan.. Sisirain ko lang ang career nito.. Ang angas eh.. " sabi nya sabay titig sa binatang kalaban nito.

Namamawis na ang noo ng kalaban ni Romeo..

Pero ang kaibigan nila ay nakangisi pa rin at nakatitig dito..

"Ano kuya ?.. Anong sinabi mo sakin kanina ?.. Na di ako tatagal ng 21 moves ?.. Eh mali ka naman eh.. Ikaw ang wala pang 15 moves.. Kita mo yung mukha mo.. Kanina ang pangit mo pero ngayon napakapangit mo na.. " gigil na sabi ni Romeo..

Tahimik lang ang kalaban ng kaibigan nila..Malalim na nag-iisip..

"Dear Kuya with Love.. Wala na pong langis sa Saudi.. Nasa noo mo na lahat.. " biro pa ni Romeo..

Natawa ang mga kaibigan nya..

Gigil na hinawakan ng kalaban ni Romeo ang rook pero nagsalita ang binata..

"Yun.. Sabi na yan titira nya .. Tapos na to pre.. " banat ni Romeo kaya mabilis na binitawan ng kalaban ang rook.

Nagtawanan ang mga audience pati na sina Rhoi , Aldrin at Darius..

"Wag mo kasi takutin tol.." biro ni Rhoi.

Napangisi si Romeo..

"Ang angas eh... Nanunuod lang ako tapos bigla akong hinamon.. " sabi nya..

Inis na ginulo ng kalaban ni Romeo ang mga pyesa at muling inayos..

"Isa pa bata.. " sabi nito pero tumayo na si Romeo.

"Neknek mo.. Buti nga pinagbigyan kita.. 50 years pa siguro kuya bago mo ko matalo.. Yun ay kung mabubuhay ka pa ng 50 years.. Ahihi.. " landi ni Romeo at mabilis na umalis sa kumpol ng mga tao..

Sumunod ang mga kaibigan nya na natatawa din..

"Loko mo.. Di mo man lang pinabawi yung mokong... " sabi ni Rhoi..

"Echosera sya eh.. " landi ni Romeo.

Nilakad muli nila ang daan pabalik ng bahay nina Krissing ng may maalala si Romeo..

"Iniwan mo yung DVD sa kanila ?.. " tanong nito..

Tumango si Rhoi..

Nanlaki ang mga mata nila..

"Oh may gad.. " sabi ni Aldrin..

"Yari !.. Sigurado susumbong tayo non kina Mommy !.." takot na sabi ni Darius..

Piningot nila ang tenga ni Rhoi..

"Ang landi mo kase.. Bakit mo pinaubaya yung Porn natin ?.. " sabi ni Aldrin.

Napangiwi si Rhoi..

"Di ko alam.. Wala akong alam !.. Inosente ako !.. " sigaw nya sabay pumiglas at tumakbo papasok ng bakuran nina KRissing..

Sumunod ang tatlo.

Napatigil sila ng mapansin na tahimik ang bahay..

"Ssshh.." sinenyasan ni Rhoi ang mga kaibigan na manahimik..

Tumango ang mga ito at patingkayad nilang inakyat ang hagdan..

Ng mapunta na sila sa entertainment room ng pamilya nina Krissing.

Lalo silang kinabahan..

"B-bakit parang walang tao ?.. " tanong ni Romeo..

Napalunok laway ang lahat..

Dahan dahang binuksan ni Rhoi at pinto..

Para lamang mamangha..

Dahil pinapanuod na ng dalawang dalagita ang American Pie ni Romeo.

Nagulat pa ang mga ito ng bumukas ang pinto ..

Dali daling pinatay ni Krissing ang TV at tense na lumapit kay Dannica..

"Aha !.. Watching porn !.. " banat ni Romeo..

Namula ang mga pisngi nina Krissing at Ekang..

Dinamba nila si Romeo at pinagkukurot..

"Akala ko pa naman mababait kayo.. Wholesome tapos nanunuod pala kayo nyan ha !.. Kalahati na ah .. hahaha.. " biro nya..

Lalong namula ang mga pisngi ng dalawa at pinagkukurot si Romeo.

Nagtawanan na lang sila.

"Sshh.. Secret yan ha ?.. " sabi ni Krissing.

Nanlaki ang mga butas ng ilong ng lahat..

"Secret daw mga tol .. " sabi ni Aldrin..

Tinaasan lang sila ng kilay nina Ekang at Krissing..

"Secret talaga.. Kasi kung di nyo isesekreto yan.. Sasabihin namin kina Tita na may Porn Movies kayong tinatago.. Siguro lagi kayong nanunuod na apat no ?.. Yuck !.. " banat ni Krissia..

Natulala ang apat..

"Oy.. Hindi ah.. Once a week lang.. " pag amin ni Romeo..

Lalo syang ginulpi ng tatlo..

Inabot ni Rhoi ang mga binili nila kay KRissing.

"Ano to ?.. " nakakunot noong tanong ng dalagita..

"Banana Cue.. Di ba yan ang gusto nyo ?.. " tanong ni Rhoi..

Pinaikot ni Ekang ang mga mata nya..

"Helloooo.. Ang layo naman ng Turon sa Banana Cue.. Mga bingi.. Pwede na yan Sis !.. " sabat ni Ekang..

Asar na napatingin silang tatlo kay Romeo na nasa gilid at tahimik na natingin sa bintana..

"Napakaganda ng kalikasan mga kaibigan ko.. Halikayo at magmasid.. " banat nya..

Pero napahiyaw sya ng sakalin sya ng lahat..

"Wala nga pala tayong nabiling Drinks !.. " sabi ni Aldrin..

"Okay lang.. May juice pa kami dyan.. Lika bes prepare natin.. " aya ni Krissing kay Rhoi..

Tumango naman ang binatilyo at sumunod sa kaibigan..

"Anong panunuorin natin ?.. " tanong ni Dannica..

Kinalkal nila ang stocks ng mga DVD's nina Krissing..

"Ay eto.. Romance.. " sabi ni Ekang.

Napangiwi si Romeo.

"Eeeewwwwneesssss... Horror, Action o kaya Porn !.. " suggestion nya.

"Sci-fi.. " maiksing sabi ni Aldrin..

"Foods.. Foods planet.. Meron ba non ?.. " biro ni Darius..

Nagtawanan silang tatlo..

"Ah basta.. Eto na lang.. A walk to remember. Wala ng kokontra.. " matigas na sabi ni Ekang sabay salang ng DVD..

Napaungol ang tatlo..

Pero wala silang magawa..

Ilang saglit lang dumating na sina Rhoi at Krissing dala ang mga pagkain..

Mabilis na kumuha si Darius at Romeo..

"Kakapal ng mukha pota. " sabi ni Rhoi.

"ANo yan sis ?.. Ay !... A walk to remember ?.. Ganda nyan.. Buti yan yung sinalang mo.. " sabi ni Krissing sabay tumabi kay Rhoi..

Nanood sila..

Di mapakali si Romeo..

"Ang gulo mo !.. " sigaw ni Aldrin.

"Para talagang sinisilihan yan kapag romance ang pinapanuod..Wala kasing karoma romansa sa katawan eh.. babaero naman.. " natatawang biro ni Rhoi.

"Pakyu ka tol.. Di ba kayo nandidiri dyan ?.. " nakangiwing sabi ni Romeo..

Umiling ang lahat..

"My Goodness.. Ako lang ata talaga nakaka- appreciate ng totoong de kalibreng pelikula.. " reklamo nya..

Nagtawanan lang ang lahat..

Ilang saglit lang..

Dumampot si Darius ng Banana Cue..

Pero wala na pala..

"Sabi ko sayo pare.. Tigdadalawa.. Hindi tig da-dalawang ulit..Sinaglit mo lang yung sayo eh.. " biro ni Rhoi..

Nagtawanan silang lahat..

Napansin sya ni Ekang kaya inabot nya ang kanya sa binatilyo..

Tumanggi si Darius..

"A-ayaw mo ?.. Malinis naman to ah .. " bulong ni Ekang..

"Alam ko.. Pero sayo yan. Sige na.. Eat mo na yan.. " sabi ni Darius.

Napangiti si Dannica..

"Juice oh Joweebee ?. " alok pa nya..

Ngumiti si Darius at tumango..

Kinikilig na nagsalin si Ekang ng juice at inabot ito sa binatilyo.

Si Romeo ang nasa gitna ng lahat..

Kanina pa sya patingin tingin kina Rhoi at Krissia.. Dannica at Darius..

At kanina pa rin sya diring diri..

Bilang pangontra umay..

Nag focus na lang sya sa pinapanood nila na sa huli ay napansin nyang maganda naman pala..

"Psst.. Tol.. " kinalabit ni Rhoi si Aldrin..

Takang tumingin ang kaibigan niya..

Nginuso ni Rhoi si Romeo na tahimik na nanunuod..

May luha na sa gilid ng mga mata nito..

Namangha si Aldrin..

Tinawag nya si Darius at tinuro ang kaibigan..

Maging ito ay nagulat..

"Wag nyo na lang pansinin.." sabi ni Rhoi na sinang ayunan naman ng dalawa..

Pinagpatuloy nila ang panunuod..

Hanggang sa matapos..

Focused si Romeo..

Tulala sya ng magwakas ang pelikula..

Di nya napansin na kanina pa sya pinagmamasdan ng lahat..

"Oh punasan mo na yung luha mo tol.. " biro ni Darius sabay abot ng panyo..

Nagulat si ROmeo at umiling.

"Tangna mo.. Sinong may luha ?.. " tanggi nya pero napasinghot din sya..

Nagtawanan ang lahat..

"Aayaw ayaw pa daw .. Eh Sya itong focus na focus.. Ahaha.. " pansin ni Krissia..

Nanahimik na lang si Romeo.

"Anong next ?.. " tanong ni ALdrin..

"Titanic !.. " sagot ni Rhoi..

Tumango ang lahat..

Tiningnan nila si Romeo..

"Oh di ka magrereklamo ?.. Romance din yon.. " tanong ni Krissing..

Pero umiling si Romeo..

"Majority wins.. " pagdadahilan na lang nya..

Natawa na lang ang lahat at muling nanuod..

Patapos na sila sa palabas ng mapansin ni Romeo ang mga katabi nya..

Focus ang mga ito sa panunuod..

Gusto nyang mang trip..

Pero maging sya ay naho-hook na rin sa pelikula..

Nakita nya si Krissia na hawak na ang isa pang Romance Movie..

Kailangan nyang gumawa ng paraan para itigil na ang sobrang sweetness..

Ayaw nya ang nangyayari sa kanya..

Nagiging romantikong unggoy na sya..

Kaya napaisip ang binatilyo ng pangontra..

Napansin nya ang tirang banana cue ni Aldrin..

Kinuha nya ito at inabot kay Darius.

Nagulat ang kaibigan nya..

"Ano to ?.. " tanong ni Darius..

"Try mo tol.. Pero eto pa.. " sabi ni Romeo sabay inabot ang tinipon nyang asukal ..

Nagtaka si Darius pero kinain nya naman lahat..

Hanggang sa mapangiwi ang binatilyo at mabilis na uminom ng juice..

"Pota tol.. Sobrang tamis.. " reklamo ni Darius..

Napatingin ang lahat..

Nagtaka..

"Ano na naman yan ?.. " tanong ni Rhoi..

Tinuro ni Darius si Romeo..

"Eto eh.. Ang tamis tamis nung Banana Cue na pinakain nya saken.. " reklamo nya..

Napangisi si Romeo..

"Ang tawag don.. Super Sweet Sugar Coated Banana Cue.. Azteg no ?.. " tanong nya..

Natawa ang lahat..

"Anong next na movie ?.. " tanong ni Romeo.

Inangat ni Krissia ang isa pang Romance Movie na mukhang gusto na rin ng iba..

Pero kailangan nyang maging sa isa pang pagkakataon..

Napasimangot si Romeo..

"Romance na naman ? .. " tanong nya.

Natawa ang lahat..

"Eh gusto mo naman di ba ?.. " tanong ni Rhoi..

"Oo nga.. Ang gaganda naman ng pinapanuod natin ha ?.. " sabat ni Ekang..

Tumayo si ROmeo at sya ang nagkalkal..

"Eto.. Transporter.. " sabi nya ..

Di na nya tinapos ang Titanic .. Sinalang nya agad ang Action Movie na sinabi nya.

Nagreklamo ang lahat..

Pero inawat sila ni Romeo.

"Guys.. Please lang.. Wag nyo kong patayin sa Diabetes... " banat nya sabay muling bumalik sa pwesto..

Napaungol ang iba..

"Tsk.. Di pa ba kayo nagsasawa sa sobrang ka-sweetan ?.. Ikaw Darius ?.. Anong naramdaman mo nung pinakain ko sayo yung sobrang tamis na banana Cue.. ? .. " tanong ni Romeo..

Napaisip si Darius..

"Nakakangilo pare.. " sagot nya.

Napapitik si ROmeo at nagsalin ng juice..

Ginitna nya ito sa lahat at tinuro..

"Eh kung lagyan ko yan ng dalawang kutsarang asukal ?.. Sinong iinom ? .. " tanong nya..

Napangiwi ang lahat..

"Try mo kaya .. " sagot ni Aldrin..

Nagdirty finger si Romeo..

"Pakyu ka.. Kita mo ?.. Walang sino man sa atin ang iinom ng ganun katamis.. Pero di ko maisipan kung paano nyo natitiis na maunod ng sunod sunod na Romance Movie.. Ang sobrang katamisan ay Nakakaumay na .. Tandaan nyo yan... Oo aminado ako na tumatanggi ako kanina.. Kasi ayaw ko talaga ng mga Romantic Movies etc etc.. Pero nung nakapanood na ako. Maganda naman pala yung Story.. Pero thats just that.. Di naman siguro healthy na sunod sunod nating panuorin yon di ba ?.. Parang pagkain lang yan ng favorite dish nyo.. Subukan nyong yun na lang ang kainin ng paulit ulit sa loob ng isang buwan.. Ewan ko lang ko di mo yon isumpa.. " litanya nya..

Natahimik ang lahat..

"Ang arte mo pre.. " biro ni Darius..

Natawa si Romeo.

"Maarte talaga ako.. Pero sabihin nyo kung walang sense ang sinasabi ko.. Lahat ng sobra ay nakakasama.. Nakakaumay na rin ang sobrang patweetums .. Kahit sinong tanungin nyo... Kung paulit ulit na lang ang nakikita at naririnig nyo.. Di ba nakakasawa na ?.. For example yung pinapanuod natin kanina.. Tapos ilagay natin sya sa tunay na buhay.. Total shit yon pre.. " reklamo nya..

Natawa ang lahat..

"Sige na sige na.. " sabi ni Rhoi at nagfocus na silang lahat sa Action Movie na sinalang ni Romeo..

Napangiti ang binatilyo.

"Success.. " bulong nya sa sarili..

ITUTULOY !!!

P.S.

"Ang lahat ng SOBRA ay NAKAKAUMAY na.." - Romeo..