Ika Tatlumpu't Pitong Pahina

"So, next block lang pala sya ? " tanong ni Gustavo.

Tumango si Valerie.

"Opo Uncle. " sagot nya.

Pinatay ni Gustavo ang makina ng kotse.

"Gusto mo bang maglakad na lang ? Para exercise. " tanong nya.

Saglit na napaisip si Valerie bago marahang tumango.

"Sige po. " wika nya.

Ngumiti si Gustavo at binuksan ang pinto.

Gumaya naman si Valerie.

Halos sabay silang bumaba sa kotse at naglakad patungo sa gate ng makarinig sila ng kung anong kakatwang kalusko.

Paglingon nila ay di nila maiwasang matawa ng makita ang asong si Jack na nagwawala sa loob.

"Ay Dyosko. Ang doggy ko ! " tila baklang tili ni Gustavo at dali daling bumalik.

Kahit malungkot, di napigilan ni Valerie ang mapabungisngis sa nakita.

Di nya akalaing ang ganito kagwapong nilalang ay maaring magbakla baklaan sa harap ng iba.

Oh marahil ay sadyang ganito lamang talaga ang personalidad ng lalaki.

Napatingin si Valerie gwapong mukha ni Gustavo.

Sa tingin nya ay nasa early forties na ang edad nito.

At kung pagbabasehan naman ay ang katawang parang inukit ng magaling eskultor, marahil ay naglalaro lamang sa late twenties ang lalaki.

..

"Hey ! " untag ni Gustavo.

Gulat na napaatras si Valerie.

Nasa tapat na ng kanyang mukha ang dila ng asong si Jack.

Napatingin sya sa lalaki at kumunot ang noo.

"H-ha ? " tanong nya.

Natawa ng mahina si Gustavo at binalingan ang aso.

"Look what you did to her, Jack. Natulala na naman. " biro nya.

Tila nakakaunawang tumahol ang aso.

Namula ang mga pisngi ni Valerie at nahihiyang ngumiti.

"S-si Uncle talaga. " bulong nya.

Ramdam nyang pag iinit ng mga pisngi sa simpleng pagtitig ng kanyang lalaki sa kanyang harap.

Ngumiti si Gustavo at hinaplos ang baba ng dalaga.

"You're so cute lalo na kapag ganyang namumula ang mga pisngi mo. " puri nya.

Lalong nahiya si Valerie at mabilis na nag iwas ng tingin.

Dinaan nya sa marahang pagtawa ang pag iinti ng mga pisngi.

"Bolero ka Uncle. Mukhang lahi na talaga ng mga Di Carprio ang pagiging bolero. " sambit nya sabay labas ng gate.

Mabilis namang sumunod si Jack sa dalaga.

Nakangiting sumunod na rin si Gustavo at hinatak pasara nag gate.

"Anong kaibahan ng pambobola at pagsasabi ng totoo ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie at napaisip.

Pero mabilis syang napangiti ng makitang nakangisi ang kausap.

"Ewan ko sa inyo. " wika nya.

Natawa ng mahina si Gustavo.

"Come on, tell me. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie at marahang naglakad.

Umagapay sa kanya ang lalaki habang sumusunod naman sa kanila si Jack.

"Ang pagsasabi ng totoo ay pagsasabi ng kung ano ang katotohanan. I mean, yung nakikita mo at wala ng halo pang ibang mga matatamis na salita. Kasi kung may mga matatamis na salita na, pambobola na yon. At yun ang ginagawa mo. " wika ng dalaga.

Napangisi si Gustavo.

"So, hindi magiging katotohanan ang sinasabi ko hangga't makakita tayo ng isa pang tao na magsasabi ng parehong mga katagang binitawan ko kanina lamang. Parang sa husgado, matibay ang ebidensya kapag dalawa na ang saksi at higit pa. " wika nya.

Lalong napangiti ng maluwang si Valerie at nagkibit balikat.

"Ewan po sayo. " pacute na sabi nya.

Natatawang naglakad ang dalawa at patuloy na nagkwentuhan.

Di pa sila nakakalayo ng biglang bumukas ang gate ng katabing bahay ng lalaki at niluwa nito ang isang napakagandang babae.

Natulala si Valerie dahil para syang nakakita ng artista sa kabila ng kasimplehan ng suot nitong damit.

Napatingin sa kanila nag babae at automatiko itong napangiti.

"Kuya Gus ! " sigaw ng babae.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie ng mula sa likod ay biglang tumakbo si Jack.

Muntik na syang mapatili ng talunan nito ang babae.

Pero sya ang nagulat ng yakapin ng babae ang malaking aso.

..

Natawa si Gustavo at hinawakan sa braso ang dalaga.

Nilapitan nila ang magandang babae na kalaro ng aso.

"Hi pretty. Anong niluluto mo at naaamoy ko na naman ? " tanong nya sabay halik sa pisngi.

Natigilan si Valerie ng marinig ang tinawag ng lalaki at sa gestures nito.

Marahil ay ito ang nobya ni Gustavo.

Ngumiti ang babae at pasimpleng tumingin sa kanya.

Napaatras ng bahagya si Valerie at napayuko.

"Adobo lang. Who is this pretty lady ? " tanong ng babae.

Napatapik sa noo si Gustavo.

"Oh God, where's my manners ? This is Valerie, Val, this beautiful lady here is Sabina. " wika nya.

Magalang na yumuko si Valerie.

"M-magandang hapon po. " sabi nya.

"Hmm, maganda yan Kuya Gus ah. Bago ? " bulong ni Sabina.

Namula ang mga pisngi ni Valerie sa narinig.

Natawa naman ng malakas si Gustavo.

"I wish na may magkagusto pa saking sing edad nyan. She's only 16. " wika nya.

Nanlaki ang mga mata ni Sabina at pinakatitigan ang dalaga.

"Wee ? Kala ko 18 na. " sabi nya.

"Yeah, yan din ang akala ko kanina. Nakita ko na lang sya kaninang naglalakad palabas ng sub. Eh muntik na kasing lapain ni Jack eh. " wika ni Gustavo.

Nagulat si Sabina at niyuko ang malaking aso sa paanan.

"Did you do that Jack ? Bad dog ! " saway nito.

Tila nakakaunawang yumuko ang aso at parang nahiya.

Pilit na ngumiti si Valerie.

"A-ayos na po ako. Di naman po ako naano. " wika nya.

Binalingan ni Sabina ang dalaga.

"Talaga ? Pasensya ka na sa asong to ha ? Ganyan lang talaga ang itsura nya pero he's mabait naman once you know him na. Kabaliktaran naman nitong amo nya. Akala mo mabait yung pala. " bitin nya sabay ngisi.

"At ano na naman yan Sab ? " tanong ni Gustavo.

Humagikgik si Sabina sabay iling.

"Nothing. San kayo pupunta ? Ihahatid mo ba sya Kuya ? " tanong nya.

Tumango si Gustavo.

"Yeah. May utang ako sa kanya eh. " sagot nya.

Sumingit si Valerie.

"Uncle wala po yun. " wika nya.

"Ah basta, may utang ako. Di ako makakatulog hangga't di ako makakabawi sayo. " sabi ng lalaki.

Natawa si Sabina at hinawakan sa braso ang dalaga.

"Hayaan mo na sya, ganyan talaga yang mga yan. Kapag may utang na loob, di mapakali hangga't di nakakabawi. " bulong nya.

Napangiti si Valerie.

"Mukha nga po. Parang si Kuya Romeo. " sabi nya.

Nagulat si Sabina.

"Romeo ? As in Romeo Di Carprio ? " tanong nya.

Tumango si Valerie.

"Opo. Friend ko po sya pati yung tatlo pa. " sagot nya.

Ngumiti si Sabina.

"Ahh kaya pala. Yung Kwadro Unggoy. Ay, nagmamadali ka ba ? Pasok ka muna ? Baka kasi nagugutom na yung baby ko eh. " sabi nya.

"May baby po kayo ? " tanong ni Valerie.

Natawa si Gustavo.

"Para kang nakakita ng little sister ah. " puna nya.

Napangiti si Sabina at tumango.

"Oo nga eh. Dito ka muna Val. Papakilala kita sa mga anak ko. Nandun sila sa loob, nanunuod. Magkakasundo kayo ng panganay ko. " sabi nya.

Napatingin si Valerie kay Gustavo.

Napangiti naman ang lalaki.

"Maya na Sab. May sasaglitin lang kami dyan sa kabilang block. " wika nya.

"Really Val ? " tanong ni Sabina.

Napangiti si Valerie at tumango.

"Opo eh. Sorry po. " sabi nya.

Tila nanghinayang naman ang babae pero ngumiti pa rin ito.

"Ah okay, no problem. Balik ka na lang whenever you want. Welcome ka na dito sa amin. " sambit nya.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

"Salamat po Ma'am Sabina. " sabi nya.

"Oops, Tita Sab. " nakangiting pagtatama ng babae.

Nahihiyang napangiti si Valerie.

"N-nakakahiya po. " sabi nya.

"Anong nakakahiya ? Where family na di ba ? Right kuya Gus ? " tanong ni Sabina.

"That's what I'm telling her kanina pa. " wika ni Gustavo.

Napakagat labi si Valerie at napangiti ng kimi.

Di nya akalaing makatatagpo sya ng ganitong mga klaseng tao.

Sa kabila ng karangyaan, nananatiling mapagkumbaba at mabait ang mga ito.

"S-sige po Tita. " sabi nya.

Ngumiti si Sabina at tumango.

Hinalikan nya sa pisngi ang dalaga.

"Yan. Ingat kayo sa pag uwi. " paalam nya.

Tumango na rin si Valerie at nakangiting kumaway.

"Bye po Tita. " sabi nya.

"See yah later Sab, dyan ako kakain. Pakisabi kay Zab na humanda sya sakin. Nagpractice na ako. " nakangising sabi ni Gustavo.

Bumungisngis si Sabina.

"Sure kuya. Kanina ka pa nga hinahanap ng pamangkin mo. Goodluck at ingat kayo. Ingat Val ! " wika nya.

..

Napapangiting nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa.

Di pa sila nakakalayo ay di makapaniwalang napailing si Valerie.

"Ang bait ni Tita Sab. " sabi nya.

Ngumiti si Gustavo at tumango.

"Yeah. Ganyan talaga sya. Pero mataray yan nung bata bata pa. Napaamo lang ng utol ko. " sambit nya.

Natigilan si Valerie.

"May kapatid ka po Uncle ? " tanong nya.

Umiling si Gustavo.

"Nah, di ko sya talagang kapatid pero parang ganun na rin. Ganun kasi kami magturingan dito. Yung mga tatay ng apat na alas pati na yung mister ni Sab. Si Zackarias alyas Boy bibingka. " biro nya.

Humanga si Valerie sa samahan ng mga ito.

Pero di nya mapigilan ang matawa sa narinig na kantyaw ng kasama patungkol sa asawa ni Sabina.

"Bakit po Boy Bibingka ? " tanong nya.

"Kasi dati, nagtitinda sila ng bibingka. Bago namasukan sa pamilya nina Sab bilang kasambahay. " pagkukuwento ni Gustavo.

Napanganga si Valerie at muling nilingon ang bahay na pinanggalingan.

"S-sino pong may ari ng bahay na yan ? Pamilya nina Tita Sab ? " tanong niya.

Umiling si Gustavo.

"Syempre yung mag asawa. " sagot nya.

"I m-mean, sinong nagpundar ? Magkatulong po sila ? " tanong ni Valerie.

Ngumiti si Gustavo at muling umiling.

"Nope, pinagawa yan ni Zack para sa mag ina nya. Actually, kami ang nag design nyan kaya ganyan kaganda. Bongga di ba ? Yung tatay ni Rhoi, si Tito Vincent mo, he's an Engineer slash Architect. " kwento nya.

Lalong namangha si Valerie sa narinig.

"Wow, as in wow talaga. Sobrang swerte ko naman at naging kaibigan ko kayo. " bulalas nya.

Natawa ng mahina si Gustavo.

"Grabe ka naman. Tao lang rin kami tulad ng iba. Gwapo nga lang. " biro nya.

Natawa na din si Valerie.

"Ang galing naman po ni Sir Zack, mula sa pagiging kasambahay nina Tita Sab, naging mayaman sya. Negosyante po sya ? " tanong nya.

Umiling si Gustavo.

"He's a well known doctor. Zackarias Hidalgo. " sagot nya.

Napakunot ang noo ni Valerie.

"H-hindi ko po sya kilala. " sabi nya.

Natawa si Gustavo.

"Haha, syempre. Di ka naman lagi sa ospital. O kaya wala ka naman sa medicine field eh. Pero kapag pumasok ka sa mundo ng medisina, for sure makilala mo sya kahit na ayaw mo. " biro nya.

Natawa rin si Valerie at na-inspire sa kwentong narinig.

"Wow. Nakaka-inspire si Sir Zack. " sabi nya pero nagsalita si Gustavo.

"Tito. Tito or Uncle Zack na rin ang itawag mo sa kanya. " pagtatama ng lalaki .

Napangiti si Valerie at tumango.

Pero bigla syang may naalala.

"Teka, paano po sya nakapag aral ? Eh sabi nyo kasambahay lang po sya. " tanong nya.

Napangiti si Gustavo at tumango.

"Yan ang isa sa nakakabilib sa unggoy na yon. Gusto ko sanang ikwento sayo pero hindi pwede eh. Ibang story na yon eh. Pluggings lang tong ginagawa natin. Baka magalit si Toyantz kapag kinwento ko. " biro nya.

Natawa si Valerie.

"Ay sayang. " sabi nya.

Napangiti na lang si Gustavo at napagtuloy na silang naglakad.

..

Maya maya ay muli na namang napahinto si Valerie at nagbuntong hininga.

Napansin naman agad ito ni Gustavo kaya nakakaunawang tinitigan nya ang dalaga.

"Huhulaan ko, pagliko sa kantong ito, bahay na nila no ? " tanong nya.

Marahang tumango si Valerie.

"O-opo. " sagot nya.

Tumango tango rin si Gustavo.

"Kung ganon, sa mga Concepcion ? " tanong nya.

Muling tumango si Valerie.

Di na sya nagulat ng malamang kilala nito pamilya nina Caleb.

Nabuntong hininga ang dalaga.

Sa kabila ng masaya nilang kwentuhan ni Gustavo, di pa rin nito natakpan ang sakit na naramdaman nya kanina.

At ngayong palapit na naman sila, muli na namang nanunumbalik ang kirot.

Nakapagkit pa sa kanyang isipan ang eksenang iyon.

..

Hinawakan ni Gustavo sa kamay ang dalaga.

"If you want, ako na lang ang kukuha sa gamit mo. " sabi nya.

Napangiti ng malungkot si Valerie.

"Ako na lang po. Sobrang nakakahiya na. Napakalaking abala ko na po sa inyo. " wika nya.

"Wala naman akong gagawin hanggang mamayang gabi. Di mo ba narinig, dun ako kakain kina Tita Sab mo. " nakangising paalala ni Gustavo.

"Opo. Pero nakakahiya pa rin. Ako na po. After nito, uuwi na po ako. Baka hinahanap na po ako sa amin eh. " mahinang sabi ni Valerie.

Napangiti na lamang si Gustavo at tumango.

"If that's what you want. Tara na. " wika nya.

Huminga na lamang ng malalim si Valerie sabay pinilit ang sariling ngumiti.

Dahan dahan syang naglakad paliko sa kanto.

Mabilis namang umagapay si Gustavo kasunod ang aso nitong si Jack.

Hanggang sa muling tumigil sa paglalakad ang dalaga dahilan para mabangga ito ng lalaki.

"Hey. " sabi ni Gustavo.

Pero nagulat sya ng mapansing nanginginig ang dalaga.

Nakatingala ito sa kung saan kaya wala syang nagawa kundi sundan ang tinitingnan nito.

Hanggang sa maging sya ay matigilan ng may makitang dalawang tao sa bintana.

Kahit distansya nila ay di maitatatwa ang ginagawa ng dalawa.

Nagsasalo ang mga ito sa makapigil hiningang halik.

Muling binalingan ni Gustavo ang dalaga.

Kitang kita nya ang pag agos ng mga luha sa mata nito na tila gripong nabuksan.

Muli syang tumingala sa bintana.

Wala na ang lalaki at tanging babae na lamang ang nanduon.

"Sya ba ang boyfriend mo ? " tanong nya.

Pero walang nakuhang sagot ang lalaki.

Pagtingin nya ay nagulat sya ng wala ng tao sa kanyang harap.

Mabilis na tumakbo si Gustavo paliko sa kanto.

Nanduon si Valerie at nagmamadaling naglalakad palayo.

Napatiim bagang ang lalaki at mabilis na nilapitan ang dalaga.

Halos unahan pa sya ng asong si Jack na makalapit dito.

"Val ! Wait ! . " sigaw ni Gustavo.

Ngunit tila walang naririnig ang dalaga.

Tuloy tuloy lamang itong naglalakad ng mabilis.

Tinakbo na ni Gustavo ang distansya at hinawakan sa braso ang dalaga.

"Val. " sabi nya.

Nakayuko lamang ang babae.

Pero base sa panginginig ng kalamnan nito, masasabi nyang nagpipigil lamang sa paghagulgol ang dalaga.

Bagay na kinahahangaan ni Gustavo.

Marahang syang ngumiti.

"Val. " tawag nya.

"U-uncle. " sagot ni Valerie.

Inangat ni Gustavo ang mukha ng dalaga at hinaplos ng awa ang kanyang puso ng makita ang luhaan nitong mukha.

"Valerie. " tanging nasabi nya.

Di na nakapagpigil ang dalaga.

Mabilis nyang nginudngod ang mukha sa dibdib ng lalaki at binuhos ang sobra sobrang sakit na nararamdaman.

"I hate him ! " sigaw nya.

Napatiim bagang nalamang si Gustavo.

Mukha na silang tanga sa tabi ng daan pero wala syang pakialam.

Bagama't bago pa lamang nyang kakikilala sa dalaga, pakiramdam nya ay sya ang sobrang nasasaktan para dito.

..

Matagal na sandali ang ginugol ni Valerie sa pag iyak hanggang sa unti unti na itong humina.

"Sshh, be strong. Pagsubok lang yan. Trials sa relationship nyo. You have to talk para maayos yan. " bulong ni Gustavo.

Pero umiling lamang si Valerie.

"A-ayaw ko na po. " sabi nya.

Napabuntong hininga si Gustavo.

Ramdam nya ang namumuong galit para sa nobyo ng dalaga pero hindi sya maaaring magsalita ng masama laban dito.

Di sya dapat makialam.

Ang tanging silbi nya lamang ay gabayan at samahan ang dalaga sa oras ng pighati nito.

"Sshh. I understand. " mahinang sabi nya.

Humihikbing nag angat ng mukha si Valerie.

"U-uncle. Favor po. " bulong nya.

"Anything. " sagot ng lalaki.

Yumakap si Valerie kay Gustavo.

"G-gusto ko na pong umuwi. " bulong nya.

Tumango ang lalaki.

"Sure. Sure. " sabi nya at inakay ang dalaga pabalik sa kotse.

ITUTULOY !!!