Ang seryeng ito ay kathang-isip lamang. Kung mayroon mang pagkakahawig sa tauhan, lugar at pangyayari, ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.



Nasa pintuan ng isang condominium unit si Renan. Isang siyang utility maintenance sa condominium na iyun sa Quezon City. Lahat ng mga kailangang repairs mula sa electrical, plumbing, carpentry, at kung anu-ano pa. Mga ilang months pa lang siyang nagtratrabaho doon. Mga alas-diyes ng umaga nang matanggap niya ang tawag mula sa isang unit sa fourth floor. May tumutulo daw sa kisame. Nang puntahan niya ang unit 414 kung saan nakatira ang isang matandang babae, nakita nga niya ang problema. Medyo malakas ang tagas.

"Sisilipin ko po muna yung unit sa itaas niyo... Baka may problema sa tubo nila...", sabi ni Renan sa matanda.

Mabuti na lamang at sa kusina nila yung tumutulo kaya wala namang natamaang mga appliances. Ngayon ay nasa pintuan na nga siya ng unit 514. Nakailang katok na siya ngunit wala pa ring nagbubukas sa kanya.

"Wala kayang tao?", sa isip-isip niya. Nilapit niya ang tenga niya sa pinto. Parang may naririnig naman siya sa loob.Nakailang katok pa siya at nang walang nagbubukas sa kanya, naisip niyang pumunta na sa reception para patawagan ang may-ari nang unit at ipagpaalam na bubuksan nila yung unit para may tingnan sa loob.

Nang papaalis na siya sa harap ng pintuan, bumukas ito at bumungad ang isang basang-basa na babae. Naka-spaghetti strap ito na kulay puti at maikling shorts. Una nitong napansin ang mga suso niya at nipples dahil malalaki ito at kitang-kita ang kurba nito sa pagkakahapit sa basang damit. Napansin niya ang nakasukbit sa aking baywang na mga tools.

"Ayun! Ikaw ba ang maintenance sa building?", tanong ng dilag.

"Opo", sagot ni Renan.

"Hay, salamat! Halika, pakitulungan naman ako", sabay punta ng babae sa kusina.

"Tumawag po kasi yung unit na nasa ibaba ninyo. May tumutulo nga rin po sa kanila kaya pumunta ako dito para tingnan. Kanina pa nga po ako sa labas ninyo, e", paliwananag ni Renan habang sinusundan niya ang babae sa kusina. Nakatingin ito sa puwet ng dilag na umaalog habang sexy itong lumalakad sa kusina.

"Naku, pasensya na kamo... Hindi ko rin alam ang gagawin ko, e... Sinubukan kong ayusin kaso ayan...", sabay turo sa sumisirit na tubig mula sa gripo. Medyo malakas ito kaya basang-basa ang babae.

Nang tunguhin ni Renan ang gripo, maging siya ay nabasa ng tubig. Mga ilang minuto rin bago niya nahinto ang paglabas nito. Basang-basa na rin ang damit niya.

"Kailangan po natin matuyo muna ang tubig dito sa lapag para maiwasan na tumulo pa sa ibaba", sabi ni Renan.

"A, sige... Kukuha ako ng basahan at timba", ani ng babae. Pinagtulungan nilang punasan ang basa sa lapag. Hindi maiwasan ni Renan na sumulyap-sulyap sa babae. Nakaluhod ito at habang nagpupunas ay kitang-kita ang cleavage niya. Biglang naramdaman ni Renan ang pagtigas ng kanyang burat. Hindi na lang siya nagpahalata sa pamboboso niya.

Dito niya nakilala ang babae. Jackie ang pangalan nito. Mga ilang buwan pa lang silang kasal ng asawa niya na nasa Leyte ngayon dahil sa trabaho nito. Wala pa silang anak. "Kaya naman pala napaka-sexy pa rin niya...", mapusok na isip ni Renan.

Nang medyo napunasan na nila ang lapag, tinungo na ni Renan ang gripo para ayusin. Nagpaalam naman si Jackie na magpapalit muna ng damit.



©2017 Manolo33. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.